Hinamon ni Senador Risa Hontiveros ang China na maglabas ng ebidensya na magpapatunay na may kasunduan ang kanilang bansa sa isa nating Philippine Army official kaugnay ng isang ‘new model’ sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Hontiveros, kung mayroon talagang recording at transcript ay dapat gawin itong available sa ating pamahalaan bilang isa itong seryosong claim.
Giniit ng senador ang pangangailangan na malaman ang katotohanan sa likod ng isyu.
Ito lalo na aniya sa gitna ng information warfare na ginagawa ng China.
Sa huli, sinabi ni Hontiveros na ang tanging model na kinikilala niya ay ang itinatakda sa ilalim ng United Nations convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Habang ang pinakabagong bahagi aniya ng solo at totoong model ay ang naipasa na ng Senado na panukalang Philippine Maritime Zones Act. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion