Chinese Embassy, muling isinisi sa Pilipinas ang nangyayaring tensyon sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mistulang pagbabanta ang naging pahayag ng Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin hinggil sa patuloy na tension sa West Philippine Sea.

Sa kanyang regular na press conference natanong si Wenbin hinggil sa naging pahayag ng Department of Foreign Affairs tungkol sa pagsilip nito sa mga posibleng illegal actions ng ilang diplomatic officials, na sinasabing pinagmulan ay ang inilabas ng Embahada ng China na text recording ng isang usapan sa pagitan ng Chinese and Filipino  officials.

Ayon kay Wenbin, factual at may basehan ang kanilang inilabas na ebidensya hinggil sa gentleman’s agreement, new model agreement, o internal understandings, at hindi umano ito maikakaila.

Dagdag pa ng Chinese Foreign minister na matagal nang may close communication at cooperation ang China at ang ASEAN countries kabilang ang Pilipinas, may pinirmahan ding Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lugar at iba pa.

Subalit giit ni Wenbin, itinaas ng Pilipinas ang tensyon sa nasabing katubigan nang magdala umano ito ng non-regional actors at sinabing pinipilit gumawa ng gulo.

Sa huli, mistulang binantaan ni Wenbin ang Pilipinas at sinabing kung hindi nito babaguhin ang galaw nito ay gagawin ng Tsina ang mga kinakailangang gawin nito para depensahan umano nito ang kanilang karapatan at interes.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

#RP1News
#BagongPilipinas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us