Nanindigan ng ilang mambabatas na panahon nang pabalikin ng China ang Chinese ambassador to the Philippines at palitan ito.
Ayon kay Manila Representative Bienvenido Abante, matagal na dapat pinalitan ang Chinese envoy sa Pilipinas dahil imbes na pahupain ang tensyon ay pinalala lamang niya ito.
Kasunod na rin ito ng pahayag ng Chinese Embassy na mayroong recording ng pag-uusap umano ng isang Chinese diplomat at Military official ng Pilipinas para sa isang bagong kasunduan tungkol sa West Philippine Sea.
“Sa totoo lang in my own opinion .. matagal na dapat nating i-expel yan. I mean saan ka nakakita ng Chinese diplomat na masama palagi sinasabi sa Pilipinas. You’re a diplomat di ba? I mean, dapat maganda palagi sa sinasabi mo. Pero whenever he would speak, he would always speak against our policy, against what we want. Sana naman kung diplomat siya ang gagawin niya parang ano yan, shuttle iyan, you’re shuttling between China and the Philippines. That is the work of a diplomat pero hindi eh. This Chinese diplomat is saying things against the Philippines,” sabi ni Abante sa isang pulong-balitaan.
Sinegundahan ito ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong.
Nasira ang maganda sanang relasyon ng Pilipinas at China dahil nagkaroon ng isang wire-tapping na labag sa batas ng ating bansa.
Hirit pa nito na marahil ay panahon nang humingi ang Pilipinas nang mas epektibong diplomat mula China.
“…I think it’s better also that we can ask China to send a better one, rather than instead of promoting a healthy relationship with China, between our country and China. Because I believe andami ho nating bilateral agreements with China, trade etc. Hindi lang ang usapan dito between China and the Philippines is ang West Philippine Sea. We also have to look at the trade, kasi ang dami po, malakas po ang trading natin with China, bilateral agreement. Instead of that promoting that and ensuring that these two countries have a healthy working relationship, sinisira mo by means of illegally wire-tapping information that is classified, that can also be of national interest of a classified information that really preserve our national interest,” giit ni Adiong. | ulat ni Kathleen Jean Forbes