Pinalayas ng mga tropa na naka-istasyon sa BRP Sierra Madre ang mga maliliit ba banka ng China na nangongolekta ng water samples sa bisinidad ng Ayungin Shoal.
Base sa mga larawan na inilabas ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodre Roy Vincent Trinidad, nakitang nangongolekta ng water sample sa layong isang kilometro mula sa BRP Sierra Madre ang apat na sampan at dalawang rigid hull inflatable boat (RHIB) ng China noong April 21.
Ang naturang mga banka ay nanggaling sa tatlong Chinese research vessel na nakahimpil sa bisinidad ng Ayungin Shoal.
Bilang tugon, nag-deploy ang BRP Sierra Madre ng dalawang RHIB para i-monitor ang aktibidad at paalisin ang mga banka ng China sa lugar.
Ayon sa Philippine Navy, nilisan naman ng mga sampan at RHIB ng China ang lugar na walang insidente. | ulat ni Leo Sarne
📸: Commodore Roy Vincent Trinidad