Sinimulan na ng Climate Change Commission (CCC) ang kampanya sa social media bilang pakikibahagi nito para sa Ocean Month ngayong buwan ng Mayo.
Ayon sa CCC, nakatuon ang kanilang kampaniyang “Dive Deep, Change the Tides” sa pagpapalaganap ng sustainable at equitable blue economy kasabay ang pagbibigay kamalayan sa mga isyu na may kinalaman sa karagatan.
Sa pamamagitan ng social media tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram, ibabahagi ng CCC ang mga informative content na nagpapakita ng mahalagang papel ng karagatan sa aksyon laban nagbabagong klima at pagtugon sa gma hamon tulad ng polusyon at overfishing.
Binigyang-diin ni CCC Vice Chairperson Robert Borje ang kahalagahan ng kolektibong aksyon sa pagtitiyak ng kalusugan at sustainability ng ating mga karagatan, na itinuturing na lifeblood ng ating planeta.
Sang-ayon sa Proclamation No. 57, s. 1999, itinalaga ang buwan ng Mayo bilang Ocean Month, na nagpapakita ng commitment ng bansa sa pagpapalaganap ng mga sustainable ocean practices at public awareness. | ulat ni EJ Lazaro