Coast Guard, wala pang na-monitor na kanseladong byahe ng mga barko sa mga lugar na may Tropical Depression Wind Signal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa nagkakansela ang Philippine Coast Guard (PCG) ng byahe ng mga sasakyang pandagat sa mga lugar na may nakataas na Tropical Depression Wind Signal. 

Ayon sa Public Information Office ng PCG, hindi pa kinakansela ang mga byahe lalo pa at kaninang umaga lamang naibaba ang wind signal. 

Pero hanggang mamayang tanghali ay posibleng magbago ang sitwasyon na ito ng PCG. 

Apat na lugar sa Eastern Mindanao ang nakataas ngayon sa Wind Signal No. 1 at ito ay ang Siargao Island, Dinagat Island, Surigao, at Bucas Grande Island.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us