Siniguro ng Department of Health (DOH) na handing-handa ang mga ospital sa mga lugar na pinaka-apektado ng bagyong Aghon.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Health Assistant Secretary Albert Domingo na nakataas na sa Code White Alert ang mga ospital sa mga lugar na apektado ng bagyo, simula pa noong ika-24 ng Mayo.
Wala dapat na ika-alarma ang publiko.
Nangangahulugan lamang aniya ito na handa ang serbisyo ng mga ospital at naka-stand by ang kanilang mga tauhan, sakaling magkaroon ng pangangailangan para sa agarang deployment.
Pagsisiguro rin ng opisyal, magpapatuloy ang operasyon ng mga ospital na ito kahit pa sa gitna ng mga pag-ulan na dala ng bagyo.
“Sa DOH, iyon pong ating tulong sa Bagyong Aghon. Ang atin pong mga hospital doon sa mga bahagi na apektado ay code white na simula po noong May 24 pa lang. Huwag pong maalarma; ibig sabihin po, handang-handa ang ating sistema.” —Domingo. | ulat ni Racquel Bayan