Binabantayan ng Department of Migrant Workers ang bagong tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nakikipag- ugnayan na sila sa Manila Economic and Cultural Office (MECO), Labor Attache at Filipino Community sa Taiwan.
Pagtiyak ng kalihim na may nakahanda at nakalatag na silang contingency plan sakaling lumala ang sitwasyon doon.
Pero hindi na nito dinetalye ang plano dahil ang kanilang tugon at aksyon ay naka depende sa magiging sitwasyon sa bansa
Batay sa datos ng DMW, may higit 153,000 Pinoy sa Taiwan at higit 90 porsiyento dito ay mga OFW.| ulat ni Rey Ferrer