CSC, pinag-iingat ang publiko sa mga nagpapanggap na empleyado ng komisyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ngayon Civil Service Commission (CSC) na may ilang mga indibidwal na nagpapanggap na kawani ng komisyon para makapambiktima.

Naglabas ng pahayag ang CSC makaraang makarating sa kanila ang kumakalat na emails na gumagamit ng pangalan at logo ng komisyon at nagso-solicit sa ilang ahensya at indibdiwal.

Ayon sa CSC, hindi dapat paniwalaan ng publiko ang mga ganitong klase ng email.

Maaari aniyang makita ang official directory ng CSC offices sa buong bansa sa CSC website at www.csc.gov.ph.

Kaugnay nito, hinikayat naman ng CSC ang mamamayan na i-report sa kanila kung may matatanggap na kaparehong concern.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

#RP1News
#BagongPilipinas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us