Itinanggi ng Department of Agriculture na may ‘underreporting’ o kulang ang datos na inilalabs nito hinggil sa pinsalang dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay DA Spokesperson Arnel de Mesa, maingat ang kagawaran sa mga iniisyu nitong impormasyon partikular sa El Niño bulletin.
Paliwanag nito, lahat ng datos ukol sa pinsala mula sa mga regional office ay dumadaan sa masusing validation nang masigurong beripikado ang mga datos bago ito ilabas sa publiko.
Batay sa pinakahuling assessment report ng DA-DRRM Operations Center, as of April 30 ay sumampa na sa 5.9-B ang halaga ng pinsalang idinulot ng matinding tagtuyot sa sektor ng agrikultura kung saan pinakaapektado pa rin ang rice sector na nagkakahalaga na ng ₱3.1-billion ang kabuuang pinsala.
Sinundan ito ng mais ₱1.76-billion, at high value commercial crops na nasa ₱958-million ang pinsala. | ulat ni Merry Ann Bastasa