DA, nakapaglaan na ng higit ₱2-B assistance sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa na sa kabuuang ₱2.18-billion ang tulong na naipaabot ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño.

Ayon sa DA, kasama sa naipamahagi nito ang nasa ₱658.22-milyong halaga ng agri-inputs, fertilizers, planting materials, pumps, at engines mula sa DA Regional Field Offices.

Aabot rin sa ₱1.065-billion ang naihatid na financial assistance sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa Regions I| at IV-B.

Sa MIMAROPA kung saan maraming lugar ang nagdeklara ng State of Calamity, umabot na rin sa ₱8-million ang naipamahaging makinarya mula sa DA-PHilMech, at ₱77.50-milyong halaga ng Survival and Recovery (SURE) Aid Loan mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

Aabot na rin sa 847.8km ng irrigation canals ang naipatayo para masiguro ang maayos na suplay ng tubig sa agricultural areas sa bansa.

Habang ongoing pa rin ang cloud seeding operations sa Southern Cagayan, Northern Isabela, Quirino Corn Areas, at Magat Reservoir sa Region II.

Sa fisheries sector naman ay tuloy-tuloy rin ang pamamahagi ng alternative livelihoods at technologies sa mga mangingisda sa CAR, Regions V, VIl, at IX.

Una nang iniulat ng DA na sumampa na sa ₱5.9-billion ang halaga ng pinsalang idinulot ng matinding tagtuyot sa sektor ng agrikultura.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us