Pinaplano ng Department of Agriculture (DA) na magtayo ng condemnation facility para sa maayos na disposal ng mga puslit na imported agricultural products.
Sinabi ito ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. para masigurong lahat ng mga iligal na produktong masasabat sa mga pantalan ay maididispatsa at hindi na magagamit pa sa kalokohan.
Kasunod nito ay tiniyak ng kalihim na natigil na ang mga ulat ng umano’y diversion o paglihis ng mga nakumpiskang smuggled na agri-products mula sa ilang anti- agricultural smuggling operation.
Ayon sa kalihim, mahigpit na tinutukan ito ng Inspection and Enforcement Unit ng kagawaran para hindi na makalusot ang ganitong gawain.
“As far as the last few months na kino-condemned are concerned, lahat naman na condemn properly… nakatutok na ang ating enforcement unit, so far wala akong alam masyado na nangyayaring ganoon,” pahayag ng kalihim. | ulat ni Merry Ann Bastasa