Dagdag budget para sa food tourism campaign ng DOT, kinokonsidera ni Sen. Binay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinokonsidera ni Senate Committee on Tourism Chairperson Senator Nancy Binay na paglaanan ng dagdag na pondo para sa susunod na taon ang Department of Tourism (DOT), partikular na para sa pagsusulong ng food tourism sa bansa.

Binigyang diin ni Binay, na malaki ang potensyal ng pagbibida ng local delicacies at street foods ng Pilipinas lalo na’t kadalasang hanap ng mga turista sa pagbisita sa isang lugar ang sumubok ng mga lokal na putahe ng pinupuntahan nilang lugar.

Samantala, aminado si Binay na napapansin rin niya ang hinaing ng ilan nating kababayan na tila mas mura pang bumisita sa ibang bansa kaysa tangkilikin ang lokal na turismo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, dahil sa mahal na presyo ng airfare at accommodations.

Kaugnay nito, sinabi ng senator na baka mainam na pag-aralan ang pag amyenda sa batas tungkol sa pagbibigay ng insentibo sa tourism sector.

Iginiit rin ng mambabatas ang pangangailangan na maisaayos at mapataas ang kalidad ng mga imprastraktura sa bansa gaya ng sa mga paliparan sa Pilipinas, at magtulungan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para makahikayat ng mas maraming lokal na turista.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us