Wala pang basehan ang Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) para magpatupad ng fare increase sa public utility vehicles (PUVs) sa kabila ng ongoing na PUV Modernization Program.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, mananatili ang kasalukuyang pasahe sa mga pampasaherong jeepney.
Ipinunto ni Guadiz na sasailalim sa masusing pag-aaral at konsultasyon ng mga kinauukulang ahensya ang anumang fare increase. Dadaan aniya ito sa tamang proseso ng LTFRB Board.
Isaalang-alang din dito bago aprubahan ng ahensya ang bagong fare increase ang ilang factors tulad ng inflation at halaga ng gasolina.
Ang kasalukuyang minimum na pamasahe para sa mga traditional jeepney ay nasa Php13 at Php15 pa rin para sa modern jeepney.
Pagtiyak pa ng LTFRB Chief na sa sandaling maghain ng petisyon ang isang transport group para sa fare increase, agad na magsasagawa ng assessement at feasibility study ang LTFRB Board.| ulat ni Rey Ferrer