Naaresto na ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang indibidwal na suspect sa pagnanakaw ng mga metro ng MERALCO sa Quezon City.
Sinabi ni QCPD Station-10 P/Lt Jimmy Sanyuran, bago naaresto ang dalawa ay nagsagawa muna ng surveillence operation ang pulisya.
Matapos silang matukoy ng mga awtoridad, ikinasa ang operasyon at dinakip ang mga ito sa Tomas Morato ng lungsod kaninang pasado alas kwatro ng madaling araw.
Nauna rito, marami nang natatanggap na sumbong ang QCPD at MERALCO dahil sa talamak na nakawan ng mga metro ng kuryente sa lugar.
Pormal na ring isinalang sa inquest proceedings sa Quezon City Prosecutors Office ang dalawang indibidwal dahil sa kasong pagnanakaw.| ulat ni Rey Ferrer