Sumailalim sa pagsasanay ang mga agrarian reform beneficiary sa Sultan Kudarat upang paunlarin at dagdagan ang kanilang kaalaman sa pagsasaka.
Ayon sa Department of Agrarian Reform,layon ng pagsasanay upang gawing matagumpay na magsasakang negosyante ang mga ARB para lumago ang kanilang kita.
Sinabi ni Chief Agrarian Reform Program Officer Rhea Marie Betque ,naging benepisyaryo ng pagsasanay ang mga miyembro ng Masiag Coffee Growers Agrarian Reform Cooperative (MACGARCO).
Pinili ng DAR ang nasabing kooperatiba dahil mayroon na itong mga kinakailangang materyales para sa pagsasanay na dati ng naipagkaloob ng DAR.
Ang nasabing inisyatiba ay naaayon sa Nine-Point Agenda ng kasalukuyang administrasyon ni DAR Secretary Conrado Estrella iii .
Kinabibilangan ito ng pagkakaloob ng support services,tulad ng mga makabagong kagamitan sa pagsasaka, pataba at iba pang gamit pangsaka, tulong sa pautang, pagpapaunlad ng kapasidad at tulong sa pamilihan sa mga ARB. | ulat ni Rey Ferrer