Pinapayuhan ng isang retired Supreme Court Associate Justice ang Pamahalaang Pilipinas na agad maghain ng kaso para harangin ang kautusan ng China na arestuhin ang mga mangingisda na papasok sa inaangkin nilang teritoryo.
Ayon kay dating Supreme Court Associate Justice Francis Jardaleza, masyado nang nakababahala ang hakbang na ito ng Tsina laban sa ating teritoryo.
Dapat umanong bilisan ng gobyerno ang pagdulog sa United Nation Convention of the Law of the Sea o UNCLOS.
Ito lamang ang maaaring maging legal remedy ng Pilipinas para harangin ang banta na ito ng mga Chinese.
Naniniwala si Jardaleza na may magagawa pa ang UNCLOS sa gagawing pag-aresto ng China sa mga mangingisdang Pinoy na magtutungo sa West Philippine Sea. | ulat ni Mike Rogas