Inisyuhan na ng “notice of violation” ng Department of Environment and Natural Resources -Environmental Management Bureau (DENR-EMB) sa Caraga Region ang Greenstone Resources Corporation (GRC) sa Mainit, Surigao Del Norte.
Dahil ito sa paglabag sa Environmental Compliance Certificate (ECC) at sa probisyon ng Republic Act (RA) 9275 o ang Philippine Clean Water Act of 2024.
Ayon sa DENR-EMB, nagkaroon ng crack ang paanan ng Tailings Storage Facility 3 embankment ng kumpanya dahilan para dumaloy o umagos ang tailings.
Nasa 25 bahay sa Barangay Siana ang nasira pati na ang electrical distribution at mga pananim na niyog.
Wala namang napaulat na casualty pero agad na nagpatupad ng safety measures ang kumpanya at ang komunidad. Boluntaryo na ring itinigil ang operasyon ng Greenstone Resources Corporation.
Gayunman, pinangangambahan na makaaapekto sa Magpayang river at iba pang katubigan ang eroded tailings, na ang iba ay nasa loob pa ng pasilidad at posibleng dumaloy kapag may mga pag ulan.
Dahil sa mga nakitang paglabag, inirekomenda ng EMB na magsumite ng remedial measures ang kumpanya at tugunan ang mga naging pinsala at pagpapatupad ng rehabilitasyon at clean-up activities. | ulat Rey Ferrer