Positibo si Finance Secretary Ralph Recto na aahon sa kahirapan ang nasa 14 million na mga Pilipino sa taong 2028.
Ayon kay Recto, ito ay dahil sa “bright economic outlook” ng Pilipinas na suportado ng mas open at liberalized na investment policy landscape.
Anya ang mga inisyatiba na ginawa ngayon ng Marcos Jr. administration ay hindi lamang upang makasabay global economy bagkus ay upang linangin din ang talento at kakayahan ng mga “Young Filipinos” para sa mas desenteng trabaho at may maunlad na buhay para sa kanilang pamilya.
Kabilang sa mga growth enhancing strategies ay ang pagpapanatili ng economic growth, imintine and price stability fiscal discipline at ipromote ang investment at productivity enhancing sectors.
Diin ni Recto, ang lahat ng ito ay maglalagay sa bansa sa target na “upper-middle income status” sa taong 2025 na magdudulot ng magandang buhay sa labing apat na milyong mahihirap na Pilipino. | ulat ni Melany V. Reyes