Inanunsiyo ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na isusulong ng Department of Tourism (DOT) ang kanilang groundbreaking tourism projects ngayong taon.
Kabilang aniya dito ang kauna-unahang Tourist First Aid Facilities gayundin ang karagdagang hyperbaric chambers para sa mga seguridad ng mga diver, na ilalagay sa iba’t ibang strategic locations.
Ayon kay Frasco, ang kalusugan at kapakanan ng mga turista ang kanilang pangunahing prayoridad kaya nais nilang itayo ang nasabing pasilidad.
Makikipagtulungan aniya ang DOT sa Department of Health at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA, para maisakatuparan ang nasabing pasilidad. | ulat ni Lorenz Tanjoco