Pinag-iingat ng Department of Education (DepEd) ang publiko laban sa mga kumakalat na pekeng post sa social media.
Sa kanilang inilabas na misinformation alert, hindi umano totoo ang ikinakalat na DepEd cash assistance para sa mga estudyante.
Makikita sa anila’y FAKE post na DepEd Cash Assistance 2024-2025 ang anunsyo sa lahat ng graduating students na makakatanggap ng ₱8,000 na cash assistance.
Bukod sa college students, makakakuha din ang mga senior high, high school at elementary students ng ayuda at kailangan lamang na mag-apply at magsumite ng requirements.
Lahat ng ito ay pinabulaanan ng DepEd at pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagbantay laban sa mga maling impormasyon.
Sa halip ay bisitahin lamang ang mga official announcements at mga impormasyon ng Departmento sa official platforms nito.
Hinikayat din ng ahensya ang publiko na i-report ang anumang misleading at mga kahina-hinalang impormasyon tungkol sa basic education sa [email protected]. | ulat ni Rey Ferrer