Nagbalala ang Department of Education (DepEd) sa publiko tungkol sa kumakalat na pekeng mensahe ng pagtatapos na umano’y mula kay Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte.
Batay abiso, pinaalalahanan ng DepEd ang lahat na maging mapanuri sa mga impormasyon sa online at beripikahin ang mga dokumento sa mga tamang tanggapan at opisyal na social media accounts ng ahensya.
Ayon sa DepEd, para sa mga opisyal na anunsyo at mga impormasyon, bisitahin ang kanilang mga official account sa:
• Facebook: fb.com/DeparmentOfEducation.PH
• Twitter: twitter.com/DepEd_PH
• Instagram: instagram.com/depedphilippines
• Website: www.deped.gov.ph
Nanawagan din ang DepEd na i-report ang anumang kahina-hinalang impormasyon tungkol sa basic education sa pamamagitan ng email na [email protected]. | ulat ni Diane Lear