Deputy Majority Leader Tulfo sa Senado: Makiisa sa hakbang ng ehekutibo at Kamara na amyendahan ang Rice Tariffication Law

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa Senado na ilapit ang bersyon nila ng panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL) sa bersyon ng Kamara.

Ito’y matapos lumusot na sa House Committee on Agriculture at Ways and Means ang substitute bill para sa RTL Amendment.

Apela ni Tulfo, maipasok man lang sana sa Senate version ang pagpapahintulot sa National Food Authority (NFA) na makapagbenta muli ng bigas sa mga pamilihan.

Sa ngayon kasi aniya, walang ganitong probisyon ang bersyon ng Senado na maaaring makapagpatagal sa pag-apruba ng panukalang batas.

“Kaya nga, I’m asking yung mga counterparts namin sa Senate, baka pwede ho, ilapit-lapit ho ninyo yung version nyo sa amin. Kahit yung NFA na lamang ho, huwag na ho natin pag-usapan yung iba. Kasi sa tingin ho namin, wala hong laman ho yung sa Senate eh. Eh, mas maganda ho siguro, lagyan na rin ho ninyo dyan sa Senate na pwede ho magbenta ang NFA, mag-intervene kagaya ng mga panahon ho ngayon na napakamahal ng bigas, mag-intervene ang Senate. Maski na ho sabihin na lang natin during this situation. Hindi ho araw-araw, para naman ho lumapit para isa yung goal natin para maipasaka ganitong batas na ito. Because time is running out ho eh. Marami ho tayong mga kababayan nagugutom.” diin ni Tulfo

Sabi ni Tulfo, posibleng mag-usap sina Speaker Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zibiri upang makumbinsi ng huli ang mga kasamahan sa Senado na gawing prayoridad ang panukala.

Nitong Lunes, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sesertipikahan niya bilang urgent ang panukalang RTL amendment upang makatulong na mapababa ang presyo ng bigas. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us