Kaisa ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan sa posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi gagamit ng water canon ang Pilipinas laban sa China Coast Guard.
Ayon kay Surigao del Norte Rep Francisco Matugas, tama lang ang desisyon ng Pangulo upang ipakita na isang ‘peace-loving’ na bansa ang Pilipinas.
“tama po iyong stand ng ating mahal na Presidente. Of course we will not be the one to take the aggression, aggressive stance, para makita po sa buong mundo na we are a peace-loving nation. So kitang-kita naman po iyong ginagawa ng China against us, sa WPS and I think that stand will speak volume for our President for his international policies and for his love for peace in our country.” Ani Matugas
Bilib naman si Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores, sa haba ng pasensya ng Pangulo sa ginagawang agression ng China at pagpili sa diplomasya.
“on a personal note, bilib din ako sa Presidente natin that he can, parang tolerate na binobomba na iyong mga tao niya and still not respond, di ba. But on a personal note, parang sa akin, if someone spits at us, we cannot just pretend that it’s raining, di ba. But the President is, our chief person in terms of international policy and that is the policy that he wants to pursue, and we support it and I think it’s also the right policy.” sabi ni Flores
Paalala naman ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez na sa international stage, nasa tama ang Pilipinas lalo na at naipanalo natin ang arbitral ruling.
Giit pa nito na kapag bumaba aniya tayo sa lebel ng China at tinapatan ang kanilang panggigipit ay maaaring mawala ang posisyon natin.
Kaya naman tama aniya ang ginagawa ng Pangulo na makipag alyansa at kumuha ng suporta mula sa ibang mga bansa.
Sabi naman ni Zambales Representative Jefferson Khonghun na minsan, mas maigi nang inaapi kaysa tayo ang nang aapi. | ulat ni Kathleen Forbes