Dialysis package ng Philhealth, planong doblehin ang halaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaaral ngayon ng Philhealth na taasan pa ang hemodialysis package nila upang maisama na rin ang erythropoetin o gamot na itinuturok kasabay ng dialysis.

Ito ang inanunsyo ni Philhealth Executive Vice President and Chief Operating Officer Eli Santos kasunod ng naging pulong nila ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo.

Sa kasalukuyan, sagot na ng Philhealth ang hanggang 150 sessions ng dialysis pero mayroong pa ring out of pocket expense sa kinakailangang gamot.

Ayon kay Tulfo, kasama na sa P2,600 dialysis package ang naturang vial, ngunit may mga dialysis center na walang suplay ng gamot kaya’t kailangan pa bumili ng pasyente sa labas.

Kaya naman imbes na lumapit pa sa mga congressman, mayor o senador ay dodoblehin na sa P5,200 ang dialysis package upang mailibre na ang naturang vial.

Kailangan naman na ang mga pribadong dialysis center ay magkaroon ng suplay o stock nito.

Habang paaalalahanan ng Philhealth ang mga dialysis centers na libre na ang naturang gamot.

Siniguro naman ni Santos na sakop nito ang lahat ng Philhealth members.

Para naman masiguro na ang pasyente talaga ang makikinabang, ay dapat naka rehistro ito sa talaan ng National Kidney and Transplant Institute.

Mayroong 30 araw ang Philhealth upang maisapinal ang plano at maipresenta sa board para maaprubahan.| ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us