Aabot sa 30,682 vulnerabilities ang natuklasasan ng DICT sa cybersecurity ng nasa 2,000 ahensya ng pamahalaan.
Ito ay batay sa ginawang vulnerability scanning ng ahensya kasunod na rin ng serye ng cyber attacks sa government institutions.
Ayon kay DICT Usec. Jeffery Ian Dy, maliban sa vulnerabilities ay mayroon din 811 na early detection o mga attempt para pasukin ang website o cybersystem ngunit hindi natuloy o napigilan.
Pinakamataas dito ang DOH, DICT, DOTr, NEDA at PNP-ITMS.
Kabuuang 282 na kaso naman ng cyber attack ang natanggap ng ahensya mula March 1 hanggang 31.
Pagbabahagi pa ni Dy sa mga mambabatas, pinakamataas na uri ng pag-atake na naitala ang malware at malicious files na sinundan ng Data Exfiltration o Data Leak at Compromised Website and System pati yung Key Logger o kakayanan na makuha ang password.
Tinukoy naman ni Dy na ang weakness o weak point ng mga ahensya ng pamahalaan ay ang endpoint o yung mga ginagamit na laptop. | ulat ni Kathleen Jean Forbes