Nagsama-sama ang iba’t ibang Lokal na Pamahalaan sa National Capital Region (NCR) hindi sa larangan ng pulitika kungdi sa larangan ng pampalakasan.
Ito’y matapos ilunsad ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang MMDA cup 2024 na layong patatagin pa ang ugnayan at samahan ng mga LGU.
Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr at MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes ang pagbubukas ng torneo.
Kasama rin si Metro Manila Council (MMC) President at San Juan City Mayor Francis Zamora na siyang host city ng MMDA cup.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Abalos na mahalagang maisulong ang pampalakasan para sa isang aktibong komunidad. | ulat ni Jaymark Dagala