DILG Secretary Abalos, pinayuhan ang LGUs na huwag basta makipagtransaksyon sa fixers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang chief executives sa buong bansa na mag ingat sa mga indibidwal at grupo na nagpapanggap na mga tauhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni Abalos, na naglilibot sa iba’t ibang lugar sa bansa ang mga nagpapanggap na government agent at nanghihikayat sa mga local official na kaya nilang pabilisin ang pag-apruba at pagpapalabas ng mga pondo para sa locally funded projects.

Giit ng kalihim, mahigpit na sinusunod ng departamento ang procedures at guidelines sa pagpapalabas ng pondo at anumang transaksyon, at ang pakikipag-ugnayan na hindi umaayon sa naturang mga alituntunin ay hindi nito kukunsintihin.

Pinayuhan ng DILG Chief ang LGUs, na gawin ang lahat ng pag-iingat sa paghawak ng email correspondence na may kaugnayan sa government transactions partikular sa Digital Request Submission for Local Government Support Funds (DRSL) sa DBM apps portal.

Sa halip, hinimok ng DILG chief ang LGUs na i-report ang sinumang gumagawa ng hindi otorisadong aktibidad sa Philippine National Police (PNP) o National Bureau of Investigation (NBI). | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us