DMW at Data Flow Group, magtutulungan upang mapalakas ang digital services para sa OFWs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na lumagda sa kasunduan ang Department of Migrant Workers (DMW) at Data Flow Group upang mapalakas ang digital services para sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Lumagda sa Memorandum of Agreement sina Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at Data Flow Group CEO Sunil Kumar.

Layon ng pagtutulungan na gawing mas simple at madali ang mga proseso para sa mga OFW gamit ang makabagong teknolohiya.

Kabilang dito ang pagpapabuti ng sistema ng pagpaparehistro, pag-monitor, at beripikasyon ng mga dokumento.

Ayon kay Secretary Cacdac, malaking tulong ang partnership na ito upang mapabuti ang serbisyo ng DMW sa mga OFW.

Tiniyak naman ng Data Flow Group na gagamitin nila ang kanilang mga makabagong solusyon tulad ng TrueProfile, CrossCheck, DigiFlow, at Digital Footprint upang masiguro ang maayos at ligtas na serbisyo para sa mga OFW.

Ang naturang partnership ay isa sa mga hakbang ng pamahalaan upang mas maprotektahan at matulungan ang mga OFW sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us