Kinumpirma ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na ngayong buwan ay sasalang na sa Commission on Appointments si DMW Sec. Hans Leo Cacdac kasama ang 25 iba pang presidential appointees para sa kanilang pormal na kumpirmasyon.
Ayon sa CA Assistant Minority Leader, natanggap na nila ang appointment papers ni Cacdac kasama ang promotion papers ng walong military general at labimpitong career diplomats.
Matatandaan na April 25 ng italaga ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. si Cacdac bilang kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW).
Target aniya nila na matapos ang vetting process at kumpirmasyon ng naturang mga opisyal bago ang sine die adjournment ng Kongreso sa May 25. | ulat ni Kathleen Forbes