Pormal nang inilunsad ng Department of Migrant Workers ang kanilang caregiver pilot project.
Layunin ng programa na mag-recruit ng 100 caregivers sa ilalim ng Employment Permit System sa pagitan ng Pilipinas at Republic of South Korea.
Ayon sa DMW, sa pamamagitan ng caregiver project, inaasahang mas tatatag pa ang bilateral labor relationship ng Pilipinas at Korea at mas tataas pa ang caregiver deployment plan sa pagitan ng dalawang bansa.
Direktang makikinabang dito ang mga pamilyang Koreano na nangangailangan ng tulong sa pag-aalaga ng kanilang
mga anak, mga single parent at mga dual-income couple.
Sa mga interesadong aplikante, mangyari lang na ipresenta ang kanilang caregiving certificate o anumang katibayan na dumaan sila sa pagsasanay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Magsisimula ang registration sa May 9 at tatagal hanggang May 10, 2024.
Hinihikayat naman ng DMW ang mga aplikanteng may katanungan na magpunta sa kanilang Pre-Employment and Government Placement Bureauβs Facebook page o makipag-ugnayan sa kanilang official hotline. | ulat ni Jaymark Dagala
: DMW