Sa darating na Martes May 21, nakatakda ang confirmation hearing ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac sa Commission on Appointments (CA).
Ito ang kinumpirma ni CA Assistant Minority Leader at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.
Aniya, haharap si Cacdac sa CA Committee on Labor, Employment, Social Welfare and Migrant Workers na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Mercedes Alvarez.
Kasabay nito ay haharap din sa CA ang 33 senior military officers para sa kanilang promotion.
Kasama dito si Army Lt. Gen. Facundo Palafox IV, na bagong commander ng Southern Luzon Command.
Bilang ex-officio presiding officer, magpapatawag din ng caucus si Senate President Juan Miguel Zubiri sa Martes.
Nakatakda na kasi mag adjourn ang Kongreso sa May 25 at sa July 22 na magbabalik.
Sino mang appointee na hindi makakuha ng pag sangayon ng CA pagsapit ng adjournment ay ikokonsiderang bypassed. | ulat ni Kathleen Forbes