DMW Sec. Hans Cacdac, nagpasalamat kay Pres. Marcos Jr. sa muling pagkakatalaga sa kaniya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na kaniyang itataguyod ang mandatong ipinagkatiwala sa kaniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng Saligang Batas.

Ito ang inihayag ni Cacdac matapos na magpasalamat sa Pangulo dahil sa muling pagkakatalaga nito sa kaniya para pamunuan ang tinaguriang “Tahanan ng OFWs.”

Sa isang pahayag, sinabi ni Cacdac na malinaw naman ang kanilang mandato na bantayan ang karapatan, kapakanan, gayundin ay protektahan ang mga OFW.

Hindi aniya sila titigil sa paghingi ng katarungan para sa mga naagrabyadong OFW sa ibayong dagat.

Magugunitang hindi nakalusot kamakailan ang ad interim appointment ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kay Cacdac dahil sa kakapusan ng panahon at oras.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us