Hindi pa tiyak n Department of Energy (DOE) kung kailan magigigng normal ang supply ng kuryente sa bansa dahil sa patuloy na pagpalya ng ilang mga energy plant sa Luzon.
Sa isang punong balitaan sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na ito’y sa kabila ng ilang naitalang power outages ng ilang mga planta at isa na rin ang pananalasa ng Bagyong #AghonPH sa ating bansa dahilan ng pagkasira ng siyam na planta sa Luzon grid.
Dagdag pa ng kalihim na posible pang makapagtala ng red alert status ang buong Luzon grid sa susunod na Linggo habang hindi muling nakakabalik ag ilang mga plantang kinukumpuni ng kanilang mga generation plants.
Sa huli, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DOE sa mga power generation plants upang tumulong sa kanilang pagkukumpuni upang muling makapag supply ng mga ito sa Luzon grid.| ulat ni AJ Ignacio