DOH, tiniyak ang sapat na pondo para tugunan ang mga bagong variant ng COVID-19

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) sa mga mambabatas na may sapat na pondo ang ahensya para tugunan ang mga bagong variant ng COVID-19 gayundin ay makabili ng updated na bakuna.

Sa naging oversight hearing ng House Committee on Appropriations, nausisa ni Marikina Representative Stella Quimbo, vice-chair ng komite, kung totoo ang lumabas na ulat sa pahayagan na walang pondo ang DOH para protektahan ang mga Pilipino sa bagong “FLIRT” variant.

“Napakarami niyo bang pera? It’s very clear na napakabagal po ng paggastos ng DOH, hindi lang sa taon na ito kundi sa previous years. Parang nakakagulat dahil sa dami ng pera natin, at kayo po, I believe Usec. Bravo ay nanggaling sa DBM, klaro naman po na maraming pwedeng pagkunan ng pondo. Tama po?” sabi ni Quimbo.

Tugon ni Health Undersecretary Achilles Bravo, handa silang mag-realign ng pondo para magamit sa COVID-19 response.

“Madam Chair, you are correct. So what we will do is that we have so many funds at the DOH, even from the CONAP (Continuing Appropriations) in 2023 and the current. If there’s a need to provide something for the emerging COVID variant, we can always make some modifications within our budget,” tugon ni Bravo.

Maging si DOH Assistant Secretary Albert Francis Domingo, pinabulaanan ang ulat na walang budget para sa mga bagong COVID-19 vaccine.

“Meron pong pera at mali ang headline na walang pera para sa bakuna dahil to begin with hindi pa naman natin alam kung ano ang mga Kp2, Kp3 variants,” punto ni Domingo.

“Naka-monitor din po tayo sa ating bed occupancy, mild po siya pero tama po si Dr. Garin na ang mga doktor hindi tayo nag-aantay na may pumutok na emergency, naka-ready tayo dapat,” dagdag niya.

Imbes naman na panic o pag-aalala ay binigyang-diin ni House Deputy Majority Leader and Iloilo 1st District Representative Janette Garin ang kahalagahan ng pagiging handa sa pagtugon sa “FLiRT” variant.

Parikular dito ang pagkakaroon ng pneumonia at flu vaccine, gayundin ang libreng pagpapa-ospital at gamot para sa mga health care workers, at immunocompromised.

“Bottomline is, tama si Cong. Stella, the preparation should go back to either vaccination if an updated version is available, but more importantly is pneumonia, flu vaccines, and the medicines for whoever will need it,” sabi ni Garin. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us