Hinihimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng hotline number 1349.
Ito’y kung may mga katanungan, hinaing, problema o reklamo hinggil sa usapin ng trabaho.
Nabatid na umaabot na ng higit 126,000 na tawag ang natanggap ng DOLE mula noong 2023 hanggang sa unang quarter ng 2024.
Ilan sa mga tumawag ay mga nagkaroon ng problema sa kanilang separation pay,
computation ng holiday pay, sinuspinde at tinanggal sa trabaho gayundin ang reklamo sa hindi o kulang ang hulog sa kontribusyon sa SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG.
Sa kabila naman nito, may mga natanggap din na tawag ang DOLE na mga nagtatanong hinggil sa local employment opportunities at ang mga proseso sa pagkakaroon ng trabaho.
May ilan rin na tumawag para alamin ang mga patakaran sa TUPAD at youth employment programs para mapabilang sila dito.
Ang hakbang ng DOLE ay upang magkaroon ng ugnayan sa mga nagtatrabaho at naghahanap ng trabaho sa ilalim ng batas at patakaran ng ahensya.