Nakipag-partner ang Department of Tourism (DOT) sa Intramuros Administration at Armed Forces of the Philippines (AFP) para isang proyekto na magbebenipisyo ay ang mga turista.
Pinagsama kasi ng DOT, AFP, at pamunuan ng Intramuros ang military heritage ng bansa sa cultural tourism nito habang pinapalakas na rin ang ๐๐ฎ๐ณ๐ฒ๐๐ atย ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐๐ ng mga turista sa tinaguriang ๐ช๐ฎ๐น๐น๐ฒ๐ฑ ๐๐ถ๐๐.
Pinasinayaan na kasi ang bagong headquarters ng 1304th Ready Reserve Infantry Battalion (RRIBn) sa Cuartel de Sta. Lucia, Intramuros.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, isang ring Army reservist at may ranggong Lieutenant Colonel, ang paglalagay ng Battalion Headquarters sa lugar ay hindi lang isang pagkilala sa nakaraan kundi ang pagbibigay daan sa kinabukasan kung saan naghalo ang pagseserbisyo sa bansa at kasaysayan (history) na magreresulta sa isang unique tourist destination.
Dagdag pa ng DOT na ang naturang partnership ay nagpapakita lang ng magandang epekto ng pakikipag-kolaborasyon kung saan nagresulta ito ng mas magandang historic sites at mas ligtas na tourist destination. | ulat ni Lorenz Tanjoco