Upang magkaroon ng mas maayos na tourism safety, nagsagawa ng collaboration meeting ang Department of Tourism (DOT) at Department of Health (DOH) upang magkaroon ng mas pinaigting na tourism safety sa bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, layon ng collaboration meeting na magkaroon ng maayos na tourism health care ang bawat tourism destinations sa bansa.
Sa tulong ng DOH, magbibigay ng kasanayan ang bawat tourism officers, na mag-train ng medical officers upang maging handa sa anumang first aid situations.
Dagdag pa ni Frasco, na magtatayo ng hyperbaric chambers ang DOT partikular sa dving sites sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang maging handa sa decompression sickness sa surfing sites sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio