Nagpulong ang Department of Transportation (DOTr) at World Bank kaugnay sa mga proyektong magpapabuti sa transportasyon at connectivity sa Pilipinas.
Sa ginanap na pulong ng DOTr at International Finance Corporation ng World Bank sa Taguig City, napag-usapan ang progreso ng mga proyektong pinopondohan ng World Bank.
Kabilang sa mga proyektong ito ang Cebu Bus Rapid Transit, Urban Mass Transport Modernization Program, E-mobility in public transport, at ang pagpapaunlad ng mga paliparan at pantalan sa bansa.
Layon ng mga proyektong ito na mapabuti ang mobility at connectivity sa bansa, at gawing mas madali at maginhawa ang biyahe para sa mga Pilipino.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang koordinasyon ng DOTr at World Bank ay makakatulong upang malutas ang mga isyu sa apat na sektor ng transportasyon.
Inaasahan na magdudulot ng malaking pagbabago sa sistema ng transportasyon sa bansa ang pakikipagtulungan ng dalawang institusyon. | ulat ni Diane Lear