Nakahanda na ang lahat ng mga equipment at manpower ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan.
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, tiniyak ng DPWH-NCR na may sapat silang pondo para sa mga emergency situations.
Ayon kay Regional Director Engr. Loreta Malaluan, sapat ang kanilang pwersa at kagamitan para agad tumugon sa magiging epekto ng La Nina.
Sa ngayon, natapos na nila ang 71 na mga pumping station kung saan Kaya nitong pahupain ang mga baha sa Metro Manila.
Nagpapatuloy naman ang mga declogging o paglilinis ng mga kanal at estero sa iba’t-ibang lungsod sa NCR.
Tuloy din daw ang koordinasyon nila sa Metro Manila Development Authority at mga Lokal na Pamahalaan para maging katuwang sa pagtatanggal ng mga basura na karaniwang sanhi ng mga pagbaha. | ulat ni Michael Rogas