DSWD at NACC, bubuo ng digital system para mapagaan ang adoption at alternative child care process

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa proseso na ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang National Authority for Child Care (NACC) ang paglikha ng digital system para gawing mas makabago ang adoption at alternative child care process sa bansa.

Ito ang inihayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa 1st National Congress on Adoption and Alternative Child Care para sa National Capital Region ng NACC at Southern Luzon Cluster.

Nais ng DSWD na lumikha ng isang ecosystem o isang network ng mga care facility sa buong bansa na lahat ay nakatago sa database ng NACC.

Makakatulong ang system na matugunan ang isyu sa child trafficking sa mga social media platform dahil lahat ng child care facility at mga serbisyong inaalok ng mga ito, pribado man o pinangangasiwaan ng national government o local government ay mauugnay sa database ng NACC.

Babala pa ng kalihim sa publiko, na itigil na ang pagsali sa child trafficking activities sa pamamagitan ng illegal adoption ng mga bata online. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us