Papahusayin pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang aftercare case management at deradicalization ng non-state armed groups at mga dating rebelde.
Nagpulong na sina DSWD Secretary Rex Gatchalian at OPAPRU Secretary Carlito Galvez, Jr. at tinalakay ang ang mga istratehiya na nauukol para dito.
Tiningnan din ng dalawang kalihim ang proseso ng reintegration ng mga sektor na ito sa kanilang mga pamilya at komunidad kasunod ng kanilang pagsuko at pagbabalik loob sa batas.
Isinagawa ang pulong sa DSWD Central Office kasama ang iba pang OPAPRU officials na sina Local Conflict Transformation Cluster Presidential Assistant Wilben Mayor, Undersecretary David Diciano at Director Jay Pena.
Sa panig naman ng DSWD, kasama din sina Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay at Asst. Secretary Arnel Garcia. | ulat ni Rey Ferrer