Inilunsad na ng Department of Social Welfare and Development ang 180-day feeding program para sa mga bata sa lalawigan ng Lanao del Sur.
Isinagawa ito sa ilalim ng Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon (BangUN) Project 2024 ng DSWD.
Bahagi ng proyekto ang pagsasagawa ng ahensya ng social preparatory phase sa dalawang project sites sa mga bayan ng Madamba at Bocolod-Kalawi.
Ang mga munisipalidad na ito ay kinilala bilang target areas dahil sa kanilang nakababahalang estado ng malnutrisyon.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Baldr Bringas ang local government units ng Madamba at Bacolod-Kalawi sa kanilang pakikiisa at kooperasyon.
Naging inspirasyon ng DSWD sa kanilang misyon na tugunan ang mga pangangailangan sa nutrisyon ng mga bata sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). | ulat ni Rey Ferrer
📷: DSWD