Nangangailangan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagang 15,000 social workers na maghahatid serbisyo sa mga nangangailangan sa mga Geographically ,Isolated and Disadvantaged areas o GIDA sa ibat ibang panig ng bansa.
Sa DSWD forum, sinabi ni DSWD Usec for General Administration and Support Service Group Atty. Edward Justine Orden na ito ang isa sa mga halon na patuloy nilang tinutugunan.
Katunayan, may mga lugar aniyang halos isa lamang na social worker ang may lakas loob na pumunta sa GIDA at armed conflict areas dahil sa takot na malagay sa alanganin ang kanilang buhay at kalusugan.
Sa ngayon, napupunan aniya nila ang kakulangan sa mga tauhan sa tulong ng mga inaaugment na tauhan ng PNP, AFP at LGUs na katuwang nito sa paghahatid ng serbisyo kahit sa malalayo at liblib na lugar.
“Yang mga social worker namin sa Gida areas ay hindi nagta trabaho dahil sa sahod o anuman kundi misyon talaga na makatulong sa mga nangangailangan” sabi ni Usec Orden.
Ang General Nakar sa Quezon Province at Isabela anya ang isang halimbawa ng Gida area na sobrang layo na puntahan para maiparating ang tulong ng DSWD.
Sinabi din ni Orden na dapat ay mapataas ang sahod ng mga social worker dahil sa hirap sa pagtupad sa tungkulin. | ulat ni Merry Ann Bastasa