Naglabas ng mga bagong guidelines ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa registration, licensing, and accreditation (RLA) ng Social Welfare and Development Agencies (SWDA).
Kaugnay pa rin ito sa patuloy na pagsisikap ng DSWD na i-streamline at i-digitize ang mga programa at serbisyo nito.
Ayon kay DSWD Standards Bureau Director Megan Manahan, ang guidelines ay nakapaloob sa Memorandum Circular (MC) No. 08, MC 09 at MC 18 series of 2024.
Nakatuon ang MC 08 sa pag-iisyu ng certificate sa mga private social welfare agencies na may valid na RLA bilang eligibility para sa duty exemption sa mga donated imported goods.
Ang MC 09 naman ay tumutukoy sa pagbibigay ng public solicitation permit.
Habang ang MC 18 ay tumutukoy sa pag-iisyu ng Certificate of Registration and License to Operate (CRLTO) at Certificate of Accreditation para i-regulate ang mga SWDA at ang kanilang mga programa at serbisyo.
Nakatakda pang ilunsad ng DSWD ang Harmonized Electronic License and Permit System (HELPS) na magpapahintulot sa mga SWDA na magsumite ng kanilang aplikasyon at mga kinakailangan para sa RLA. | ulat ni Rey Ferrer