DSWD, nagpaabot ng livelihood assistance sa mga dating rebelde sa Davao de Oro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Panibagong batch ng mga dating rebelde na nasa Davao de Oro ang tinutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa reintegration program nito.

Pinangunahan ni DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns (ISPSC) Alan Tanjusay ang pamamahagi ng ₱20,000 Livelihood Settlement Grants (LSG) sa 19 former rebels mula sa bayan ng Nabunturan Davao de Oro sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensya.

Bukod naman sa livelihood grants, nakatanggap din ang mga dating rebelde ng tig-₱3,000 cash assistance mula naman sa DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Kasabay nito hinimok ni Undersecretary Tanjusay ang mga LSG recipients na gamitin sa maayos na pamamaraan ang suportang kanilang natanggap upang mapagbuti ang kanilang buhay at manumbalik sa normal na pamumuhay sa kanilang komunidad.

“Gamitin ninyo ng tama at maayos ang tulong ng ating mga kababayan upang mapalago ang inyong kabuhayan. Tulungan ninyo ang inyong mga sarili, ang ating gobyerno at ang lokal na pamahalaan,” ani Usec. Tanjusay. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us