Nagpadala na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga pamilya na matinding naapektuhan ng El Niño sa Lantawan, Basilan.
Sa ulat ng DSWD, kabuuang P3,020,192 na halaga ng relief items ang ipinagkaloob sa mga pamilya na lubhang apektado ng krisis.
Kabilang sa mga benepisyaryo na hinatiran ng tulong ay mula sa pitong barangay kabilang ang Barangay Tairan, Bagbagon, Atong-Atong, Lower Manggas, Lawila, Calugusan, at Subaan.
Nagpasalamat naman ang mga residente sa bigay na tulong at suporta ng DSWD.
Pagtiyak ng DSWD na magpapatuloy pa ang kanilang pamamahagi ng tulong lalo na sa vulnerable communities. | ulat ni Rey Ferrer
📷: DSWD