Patuloy na pinalalawak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paghahatid nito ng assistance sa mga komunidad at lugar sa bansang nakararanas ng matinding epekto ng El Niño Phenomenon.
Batay sa pinakahuling datos ng DSWD, aabot na sa ₱177.3-million ang halaga ng humanitarian assistance ang naipaabot ng DSWD sa mga lalawigang nakararanas ng epekto ng El Niño.
Kabilang sa hinahatiran nito ng family food packs ang mga pamilya ng mga magsasakang apektado ng tagtuyot.
Tuloy-tuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga LGU para matunton pa ang ibang mga pamilyang apektado ng El Niño.
As of May 9, umakyat pa sa higit 877,000 pamilya o 3.5 milyong indibidwal ang naitalang naapektuhan ng El Niño sa bansa.
Nananatili namang available ang higit tatlong bilyong pondo ng ahensya para tumugon sakaling madagdagan pa ang mga lugar na tamaan ng El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa