DSWD, nakapaghatid na ng ₱3.6-M halaga ng tulong sa mga apektado ng bagyong Aghon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa na sa higit ₱3.6-million ang halaga ng humanitarian assistance na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar naapektuhan ng mga pag-ulang dulot ng bagyong Aghon.

Ayon sa DSWD, kabilang sa nahatiran na nito ng family food packs ang mga lalawigan sa CALABARZON, Marinduque, Oriental Mindoro, Albay, Camarines Sur, at Sorsogon.

As of May 28, umakyat pa sa higit 20,000 pamilya o 62,508 na indibidwal ang naapektuhan ng mga pag-ulan.

Nadagdagan na rin sa 4,686 na pamilya o katumbas ng 18,126 na indibidwal ang pansamantalang nananatili ngayon sa 254 evacuation centers.

Una nang siniguro ng DSWD na may sapat itong stockpiles at standby funds para sa mga apektado ng bagyong Aghon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us