Umaasa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makausad na sa Kongreso ang mga panukalang batas na nagtutulak sa pag-institutionalize ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS.
Isa itong community-driven development program ng DSWD na dalawang dekada nang tumutulong sa mga komunidad mula sa maliliit at mahihirap na munisipalidad sa bansa.
Sa DSWD Forum, ipinaliwanag ni Atty. Bernadette Aquino Mapue-Joaquin, National Program Manager ng KALAHI-CIDSS, ang layunin ng programa na palakasin ang pakikilahok ng komunidad sa pagpa-plano, pag-aayos ng budget, at pagpapatupad ng proyekto na makakabenepisyo sa kanila.
Mahalaga aniya ang tulong ng Kongreso para mapaigting pa ang programa at mapalawak ang mga benepisyaryo nito.
Sa ngayon, mayroon nang siyam na sponsored bill ang natapos na sa committee deliberation sa Kamara habang sa Senado ay mayroon ding tatlong bersyon ng panukala na isasalang pa lang sa komite. | ulat ni Merry Ann Bastasa